Suspek sa hit-and-run ng lady rider, timbog

MANILA, Philippines — Nadakip na ng mga awtoridad ang suspek sa isang hit-and-run incident na ikinasawi ng isang lady rider sa Maynila noong Hulyo 6, 2026.
Nakapiit na ang 34-anyos na truck driver na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property ang.
Ang suspek ay naaresto ng mga operatiba ng Malate Police Station 9 (MPD-PS-9) ng Manila Police District nitong Setyembre 14, sa San Marcelino St. Malate, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng hukuman laban sa kanya.
Ayon kay MPD-PS9 Station commander PLt. Col. Norman Patnaan, matagal din nilang inalam ang pagkakakilanlan ng suspek na tumakas matapos ang insidente. Natunton lamang umano nila ang pagkakakilanlan nito nang may isang testigo ang lumutang at nagturo rito ngunit hindi ito kaagad naaresto dahil lumipas na ang reglementary period para sa kaso.
Humingi naman ng paumanhin ang suspek sa pamilya ng biktima at sinabing hindi niya alam na may nadisgrasya siya kaya’t nagtuluy-tuloy lamang siya ng biyahe.
- Latest


















