^

PSN Opinyon

Ngipin ng batas kontra ‘paihi’ operations, kinakapos!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

SOBRANG laki talaga ng kita dito sa “paihi” operations ng petroleum products at kahit binubulabog na sila ng kapulisan ay hindi pa humihinto ang mga operators nito. Ano ang problema? Ang parukyano kaya? O ang batas? Sa punto ng parukyano, arok naman nila na sa patuloy na pagagamit ng gasolina sa “paihi” operations, maaring sa kinalaunan kakatok ang makina ng mga sasakyan nila. Kaya lang ang panabla nila dito, mas mura ito at malaking tipid sa kanilang bulsa, lalo na sa ngayon na abot-langit na ang presyo ng gasolina at maging ang presyo ng bilihin. Malaking bagay sa kanila itong murang gasolina, ­kesehodang masira ang makina ng sasakyan nila. Get’s n’yo mga kosa? Purbidang yawaahhhhh! Hehehe! ­Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa punto naman ng batas, kailangan na sigurong amyendahan ito at taasan ang multa para madala itong mga “paihi” operators. Ano sa tingin mo Boss Cholo Sir? Kaya naman paulit-ulit lang ang operators ng “paihi” dahil mababa ang multa. Kalimitan, kahit na raid na sila, lilipat na sila ng puwesto at gumamit ng dummy at hayun….happy days are back again. Kaya’t ang napapagod sa kahuhuli sa mga “paihi” operations ay ang mga pulis. Dipugaaaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ang pinakahuling “paihi” operations ay na buy-bust ng tropa ni Col. John Guiagui sa Navotas na pinapatakbo ng isang alyas Joey. Inaresto nina Guiagui ang isang alyas Angelo matapos magbenta ito ng gasolina sa poseur-buyer sa halagang P4,500 boodle money sa gas station na matatagpuan sa Honorio Lopez Blvd., Bgy. NBBS, Kaunlaran. Nag-coordinate naman si Guiagui kay NPD director Brig. Gen. Berliner Capili kaya’t matiwasay na naisagawa ang kanilang operation. Sanamagan!

Ang nakumpiskang ebidensiya ay ang P500 buy-bust money at boodle money, delivery receipt, diesel pump, isang storage tanks na naglalaman ng gasolina, mini tanker (CCB 3455), isang tanker (CCB 7393) na naglalaman ng 20,000 liters ng gasolina, dalawang delivery receipt, withdrawal receipt, two booklets ng delivery receipts, at iba’t-ibang container na naglalaman ng gasolina. Ayon kay Guiagui, umabot sa P6.6 milyon ang nakumpiska nilang ebidensiya. Araguyyyyy!

Sa video, ipinakita pa ni Guiagui ang mga gamit pagsipsip ng gasolina sa tanker kasama na ang tangke kung saan pinopondo ang gas. Teka, teka! Di ba may na-raid na din ni Guiagui ang “paihi” operation ni alyas Palawan sa Navotas din? Abangan!

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with