PANOORIN: Unexplained wealth ni VP Sara, tinalakay sa Day 1 ng Article II
MANILA, Philippines — Sinimulan ng Senate impeachment court nitong Lunes, Setyembre 14, ang pagdinig sa Article II ng kaso laban kay Vice President Sara Duterte, na tumutukoy sa alegasyon ng unexplained wealth.
Unang tumestigo si dating Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, na ipinaliwanag sa impeachment court ang mga batas at legal na pamantayan kaugnay ng hidden, unexplained at ill-gotten wealth.
Inilahad ng prosecution ang kanyang testimonya bilang bahagi ng balangkas para sa mga ebidensyang ihaharap nito sa Article II.
Kinuwestiyon naman ng defense ang kredibilidad ni Cabotaje-Tang at ang umano’y ugnayan niya sa prosecution habang sinusuri ang kanyang testimonya.
- Latest




















