Ex-Comelec chair Abas inakusahan ng BPE ‘vote buying’
MANILA, Philippines — Pinagpapaliwanag ng Commission on Elections (Comelec) ang dating chairman nito na si Atty. Sheriff Abas matapos na isangkot sa “vote buying” kaugnay sa kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ngayong Lunes, Setyembre 14.
Si Abas, kandidato bilang district representative sa unang Distrito ng Cotabato City, ay inisyuhan ng show-cause order ng poll body matapos na maglabasan sa Facebook ang ilang larawan ng sample ballots ng dating poll chief, na may nakalakip na cash.
Nabatid na binigyan lamang ng Comelec si Abas ng 24 oras upang magsumite ng kanyang paliwanag hinggil sa isyu.
Kaugnay nito, mariin namang pinabulaanan ni Abas ang alegasyon sa social media post at sinabing ito’y fake news at paninira lamang laban sa kanya.
Aniya, ang reklamo ay dapat na idaan sa due process at direktang ihain sa Comelec, at hindi sa social media.
- Latest




















