^

Punto Mo

‘Meet and Greet’ ni Gen. Abrahano, ­dinumog ng media!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

SINUGOD kahapon ng media ang headquarters ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City. Lilinawin ko lang mga kosa ha? Hindi away ang pakay ng mga media. Kaya napalusob sila sa NCRPO, dahil sa imbitasyon na “Meet and Greet” ni NCRPO director Brig. Gen. Christopher Abrahano. Hayan malinaw na ha?

Mahigit 80 media people ang nag-signify na aattend sa event, kaya’t represented halos ang lahat ng TV stations, radio stations at diyaryo. Alam n’yo kasi mga kosa, sa sobrang dami na namin, magkakilala lang kami sa pangalan at mukha subalit hind sa personal. Kaya’t sa mga ganyang invite ni Abrahano lang nagkakilalang maigi, at higit sa lahat nagpalitan ng kuro-kuro kung anu-ano na ang nangyayari sa kanya-kanyang mga beat assignment. Purbidang yawahhhhh!

Binigyan naman ng kahalagahan ni Abrahano ang role ng media sa ldierato n’ya. Sinabi ni Abrahano na sa pamamagitan ng media, maiparating n’ya ang mga programa at iba pang alituntunin ng PNP sa Metro Manila at sa buong Pinas. Ayon kay NCRPO director, ang media din ang magsisilbing “watchdog” vs mga tiwaling pulis.  Aniya, malaki ang papel ng media sa Lipunan, dahil kahit ang gobyerno ni President Bongbong Marcos at nagsu-subscribe sa mga ibinubulgar ng media. Kaya’t ang payo ni Abrahano, ay ibulgar lang ng media ang mga katiwalian ng pulis sa Metro Manila at handa s’yang aksiyunan ito, kahit sino pa ang tatamaan. Araguyyyyy!

Kasama ni Abrahano nang humarap sa media ay sina NPD director Brig. Gen. Berliner Capili, MPD director Brig. Gen. Arnold Santiago, EPD director Brig. Gen. Roman Arugay, at Col. Joel Villanueva, DRDA ng Quezon City Police District, na humalili kay QCPD director Brig. Gen. Christopher Olazo. Dipugaaaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Bago ang lahat, nagpalabas ang NCRPO ng video tungkol sa mga programa na ipina-implement ni Abrahano mula maupo s’ya, lalo na ang apat na M-Marunong, Maagap, Magalang at Maayos na pulis. Teka, teka! Si Abrahano ay wala pang isang buwan sa puwesto subalit masaya n’yang ibinalita ng bumaba ng 50 percent ang focus crimes sa Metro Manila. Magiging busy din ang mga tauhan n’ya sa pag-secure kina VP Sara Duterte at former Speaker Martin Romualdez. Abangan!

 

CHRISTOPHER ABRAHANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with