Gov. Rosal at Kap Nemo, nagsagutan sa isyu ng jueteng!
Abot-langit ang pagsisigaw ni Albay Gov. Noel Rosal na wala s’yang kinalaman sa illegal na sugal na jueteng sa kanyang probinsiya. Owwwww? Purbidang yawaahhhhh! Binasag ni Rosal ang kanyang katahimikan sa isyu matapos magkalat sa social media at mag-prescon na muli ang jueteng bagman na si Alvin Nimo, alyas Kap Nemo, na isinangkot s’ya at si Albay 2nd District Rep. Caloy Loria sa juetang payola. Sa bagong prescon, sinabi ni Kap Nemo na kumukubra si Rosal ng 9 percent sa jueteng samantalang si Loria naman ay 3 percent. At kung mula pa Enero nag-operate ang jueteng sa Albay, kayo na mga kosa ang magsuma kung magkano ang kinita nina Rosal at Loria. Anong sey n’yo mga kosa? Tsk tsk tsk! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sa kanyang one-page statement, sinabi ni Rosal na mananahimik na lang sana s’ya sa isyu dahil hindi naman kailangang i-dignify ang akusasyon laban sa kanya. Subalit dahil sa panay ang prescon ni Kap Nemo at maging kumakalat na akusasyon sa social media, nagbigay ito ng masamang impression na sangkot nga s’ya sa jueteng at STL-bookies.”Accordingly at this point, silence can no longer be taken as appropriate reply,” ani Rosal. “Hence at this juncture, allow me to break my silence by categorically and unequivocally denying any involvement, participation, knowledge, or connection with jueteng or any other illegal gambling activity in the province of Albay or elsewhere,” ang giit ni Rosal. Hehehe! Sino kaya ang nagsasabi ng totoo kina Rosal at Kap Nemo?
Kinlaro ni Rosal na hindi s’ya nakinabang sa jueteng. Sanamagan! Samantalang, hayagan na inaamin at dinitalye pa ni Kap Nemo na sangkot s’ya sa jueteng. ”While these admissions and statements may not be used to implicate me following the res inter alios acta rule. These admissions and statements may be used to establish his participation and liability,” ayon pa kay Rosal. “Thus, if there is evidence against both of us, we should welcome the filing of appropriate charges, as this is the most appropriate way for me at least-to clear my name and put the subject accusation to rest,” ang dagdag pa ni Rosal. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Sinabi ni Rosal na wala s’yang takot sa parehas at impartial na proseso. “I stand by my denial, I stand by the truth, and I stand ready to answer before the law,” ang pagtatapos n’ya. Kahit nagsasagutan sina Rosal at Kap Nemo, tuloy lang ang jueteng sa Albay. Hehehe! Anong sey kaya ni Rep. Loria sa isyu ng jueteng sa Albay? Abangan!
- Latest















