^

PSN Opinyon

Gob. sa Kabikolan susuwayin ang Pangulo dahil sa pulitika?

PAPITIK - Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

Usap-usapan ngayon ang nakatakdang pamamahagi ng tulong ng pamahaalan bilang bahagi ng “Handog sa Pangulo” Program ni Pangulong Bongbong Marcos sa Bicol region.

Dahil sa nasabing programa ng Pangulo, marami na ring mahihirap na pamilya sa iba’t ibang panig ng bansa ang nabiyayaan. Gayunman, paano kung ang pamamahagi nito ay nabibigyan ng kulay dahil sa pulitika?

Ang pangamba kasi ngayon ng isang probinsyang benepis­yaryo ng naturang programa ay posible pang madiskaril ang inaasahan nilang tulong dahil lang sa pulitika.

Ayon sa ating bubwit, “simultaneous” ang gagawing pamamahagi ng tulong sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa Lunes, Setyembre 14, at dahil hindi mapupuntahan ng personal ni Pa­ngulong Marcos ang lahat ng probinsya, nagbigay ng direktiba na magpapadala ng kanyang kinatawan sa isang probinsya.

“Handpicked” umano ni PBBM ang nasabing opisyal. Su­balit ang kinatawan na itinalaga ng Pangulo ay tinututulan daw ng mismong gobernador dahil sa away sa pulitika.

Nagbanta pa umano ang gobernador na hindi tutulong ang kapitolyo sa nasabing event kung dadalo ang kinatawan ng Pangulo.

“Tama ba ang gagawin ng gobernador na idiskaril niya ang pamamahagi ng tulong dahil ayaw niya ang kinatawan na inatasan ng Pangulo?” Ang tulong ay hindi para sa gobernador kundi para sa mga residente ng nasabing probinsya.

Ang tanong tuloy ng marami, dahil ba sa “Die Hard Duterte Supporter” (DDS) si gob. ay kaya na niyang isnabin ang prog­rama ni Pangulong Marcos?

Dagdag ng bubwit, bilang patunay na DDS si gob ay ginawa niyang “adopted son” ng lalawigan ang isang senador na kilalang DDS. Kung ayaw raw ni gobernador na magkrus sila ng landas ng kinatawan ng Pangulo, mainam na siya na lang ang huwag dumalo sa event, dahil hindi deserve ng taumbayan ang isang opisyal na hindi maka-move on sa pulitika.

PANGULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with