^

Metro

NBI isasampa kaso vs ‘golden cauldron’ ng SEA Games

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isasampa na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga susunod na araw ang mga kaso kaugnay ng umano’y iregularidad sa kontrobersyal na “golden cauldron” na ginamit noong 2019 Southeast Asian Games.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, nakalap na ng ahensiya ang mga kinakailangang dokumento at testimonya bilang bahagi ng imbestigasyon sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC). Aniya, maaaring sa loob ng isang linggo ay maisampa na ang unang reklamo.

Sinabi ni Matibag na hinati ng NBI ang imbestigasyon sa magkakahiwalay na kaso at unang tututukan ang usapin sa cauldron na iniulat na nagkakahalaga ng P55 milyon, kahit umano’y nasa P5 milyon lamang ang aktwal na halaga nito.

Iniimbestigahan din ng NBI ang ilang lider ng sports organizations at mga personalidad na may kaugnayan sa PHISGOC, kabilang si Tats Suzara at iba pang naging kasamahan o kaalyado ni Senador Alan Peter Cayetano na namuno sa komite noong 2019.

Sinusuri din ng ahensiya kung bakit nagpatuloy ang PHISGOC sa pagiging sponsor ng ilang international sporting events gayong itinatag lamang ito para sa pagho-host ng 2019 SEA Games.

NBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with