3 Chinese hinatulan ng ‘life’ sa drug trafficking

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Umiskor ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) makaraang mapatunayang “guilty” ng korte sa kasong drug trafficking ang tatlong Chinese national na kanilang nahuli sa buy-bust operation sa Malvar, Batangas noong 2024.
Sa inilabas na desisyon ng Regional Trial Court (RTC) Branch 83, Tanauan City, Batangas nitong Agosto 17, 2026, ang tatlong akusado na kinilalang sina A Ming, may mga alyas na “Koi” at Xia Ting Ming”; Yan Xing Xue alyas “Xue Yan Xing”, Ko Xiao Ya, alyas “Yu Ali”, at babaeng kasabwat ay kapwa hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong at pinagmumulta P500,000 makaraang mapatunayang nagkasala sa pagbenta ng 502.6 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3,417,680.
Sa rekord ng PDEA, nagtangka pang manlaban at kumasa ang mga Chinese drug trafficker nang makatunog na ang poseur buyer ng 502.6 gramong shabu ang isang PDEA agent sa buy-bust operation sa Brgy. Santiago, Malvar Batangas noong Mayo 2, 2024.
Tumakas ang mga suspek sakay ng behikulo pero nakorner ng mga PDEA agents sa STAR Tollway sa San Andres, Malvar, Batangas matapos ang dalawang oras na running gun battle o habulan at barilan.
Kaugnay nito, sinabi ni PDEA director general Isagani Nerez na ang ruling ng korte ay magsilbing babala sa mga operatiba na mahalaga ang lawful operations at makamit ang hustisya dahil sa tamang pagtupad ng tungkuling ng mga awtoridad mula simula hanggang matapos ang kaso.
- Latest




















