^

Probinsiya

18 katao nasagip ng PCG sa palubog na bangka

Ludy Bermudo, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasagip ang 18 sakay ng isang bangkang-de motor na kalahati na ang nakalubog sa dagat, sa karagatan ng Calayan, Cagayan, noong Setyembre 5, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Isinagawa ng mga tauhan ng Coast Guard Station (CGS) Calayan ang rescue operation, katuwang ang mga lokal na rescue volunteer dakong alas-4:56 ng hapon ng Sabado, sakay sila ng M/B Claricel, matapos maiulat na kalaha­ting lubog ang motorbancang “Geri Ann”, sa 4.60 nautical miles timog-silangan ng Barangay Magsidel.

Ligtas ang pitong tripulante at 11 pasahero at tagumpay rin na nahila ang bangkang Geri Ann patungo sa dalampasigan ng Barangay Magsidel.

Ang mga nasagip ay dinala sa Calayan Rural Health Unit bandang 7:15 ng gabi para sa medical assessment, kung saan napag-alamang nasa maayos na kondisyong pisikal ang lahat.

PCG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with