^

Bansa

Consumer group nanawagan: Higpitan laban sa pekeng produkto online

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan ang consumer advocacy group Malayang Konsyumer sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) na magsagawa ng mas agresibo at tuloy-tuloy na crackdown laban sa pagdami ng counterfeit goods sa mga e-commerce platform.

Ayon sa grupo, bagama’t mataas ang takedown rates ng mga platform, nananatiling laganap ang mga pekeng produkto na banta sa kalusugan at kaligtasan ng mamimili.

Iniulat ng Lazada ang 85.5% proactive takedown rate (Hunyo 2024–Mayo 2025), habang 93.6% naman ang Shopee.

Sa parehong panahon, nakapaglabas ang DTI E-Commerce Bureau ng daan-daang takedown at compliance orders.

Gayunman, umabot pa rin sa P18.64 bilyon ang halaga ng counterfeit goods na nasamsam ng NCIPR.

Ayon kay convenor Mark Jansen Magsano, patuloy na nakikita ng kanilang mga miyembro ang pirated at trademark-infringing products online. Kabilang sa mga high-risk items ang gamot, vitamins, health supplements, beauty products na maaaring may toxic chemicals. Substandard electronics at gadgets na posibleng magdulot ng sunog o electrocution. Adhesives, sealants, building materials na maaaring magresulta sa structural failure at toxic inhalation at maging damit, sapatos, laruan, pabango na posibleng may nakatagong health risks.

Hiniling ng grupo na gamitin nang mas agresibo ang kapangyarihan ng IPOPHL sa ilalim ng Intellectual Property Code, kabilang ang: Motu proprio investigations; Pag-isyu ng compliance at takedown orders; Pakikipag-ugnayan sa NTC para sa site-blocking; Pagkansela ng business permits ng repeat violators; Pag-isyu ng cease-and-desist orders; Seizure at condemnation ng counterfeit goods; Forfeiture ng manufacturing equipment; at Pagpapataw ng pinakamataas na administrative fines laban sa unfair competition, trademark infringement, at digital piracy

Giit ni Magsano, kailangan ng mga Pilipino ng mas ligtas na digital marketplace kung saan sumusunod ang sellers sa batas at napapanagot ang mga lumalabag, bago pa magkaroon ng mas malalang insidente na may kinalaman sa kalusugan at kaligtasan.

IPOPHL

KONSYUMER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with