^

Metro

Person of interest sa pekeng ‘NCRPO duty schedule post’, tukoy na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tukoy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang person of interest na umano’y nasa likod ng kumakalat na social media post na nagsasabing ipinatutupad na sa Metro Manila police force ang “one-week duty, two-weeks off” na schedule.

Mariing itinanggi ni NCRPO OIC Regional Director PBGen. Christopher Abrahano ang naturang impormasyon at sinabing walang ipinatutupad na ganitong polisiya sa PNP. Aniya, may umiiral na mga regulasyon sa duty schedule at bilang ng oras ng serbisyo ng mga pulis, at hindi praktikal ang isang linggong day off dahil kulang na sa tauhan ang kapulisan.

Sinabi ni Abrahano na iniimbestigahan na ang person of interest upang matukoy kung isa itong police officer at kung may pananagutan sa pagpapakalat ng maling impormasyon. Aniya, maaaring sampahan ng kaso ang naturang indibidwal kapag napatunayang may pananagutan sa insidente.

Ipinaliwanag ng NCRPO na karaniwang apat na walong-oras na shift ang duty ng mga pulis, bagama’t maaari itong pahabain depende sa sitwasyon at kanilang assignment. May ilang personnel ding sumasailalim sa 12-oras na duty, partikular ang mga nakatalaga sa investigative at security operations, habang iniiwasan ang mahigit 24-oras na tuluy-tuloy na duty dahil sa panganib ng pagkapagod.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with