^

Pang Movies

Ivana, Sumagot sa paglusong sa baha

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Ivana, Sumagot sa paglusong sa baha
Ivana Alawi
STAR / File

Sinagot ni Ivana Alawi ang comment ng ilang netizens kung bakit sa lugar na may baha siya namahagi ng tulong sa Apalit, Pampanga.

“Sa mga nagkakalat ng hate dahil bakit hindi sa tuyong area tumigil, sana alamin niyo din kung bakit nandoon sa gitna ng baha ang truck natin, nasiraan ito at hindi na maka andar ng bandang hapon.

“Kaya habang sinusubukan naming ayusin para lumipat sa ibang area, may mga biglang pumila at nag stop din kung saan tumirik. Bumabalik lang din kami sa area kung san natigil ang truck namin para makahakot din ng relief goods para madala sa ibang area.

“Sana ay maunawaan din ang buong sitwasyon bago tayo manghusga,” komento ni Ivana sa kanyang post.

Sa photos at reels na lumabas, makikitang nakalusong sa baha si Ivana habang namimigay ng relief goods. May nag-comment na bakit kailangang makita ang aktres na nakalusong sa baha habang namamahagi ng tulong. Ayan, nasagot na ang inyong mga tanong.

In fairness, puno ng relief goods ang isang truck at dalawang sasakyan ni Ivana, kaya marami siyang nabigyan ng tulong.

May nagpayo pa kay Ivana at ang sabi, “Please stop helping ungrateful people. Let them experience the service of the people that they put in the position who is responsible of what you’re doing.”

Thea, naapektuhan sa kontrobersya kay Elijah

Tila hindi sapat ang paliwanag ni Thea Astley sa totoong estado ng relasyon nila ni Elijah Canlas na naging daan para siya ay ma-bash. Sumugod ang basher sa Instagram ni Thea para siguraduhin na totoo ngang wala silang relasyon ni Elijah.

Sa TRGGRD podcast na isa siya sa mga host, nagsalita at nilinaw ni Thea ang isyu sa kanila ni Elijah, matagal na raw silang magkakilala ng aktor bago pa nakitang magkasama sa La Union. Sabi rin nito, out of context ang reels at screenshots na kuha sa kanila ni Elijah. “I’ve never cheated on anyone. I’ve never been the third party in any relationship to my knowledge,” simula ni Thea.

“Gets ko ‘yung pain nung mga fan. But also, I hope that you could – naiiyak tuloy ako. Like, I also hope that you could give me a little bit of grace, like to see the things that I’m being called on the internet kind of hurts too. Like to be called like kabit or malandi. And just to see also my parents’ reactions to seeing some of the comments parang I also feel hurt for them. To see that I’m being called these names when it’s not true.”

Nabanggit din ni Thea ang aral na nakuha niya sa kontrobersiyang ito: May oras daw na kailangan niyang magsalita at hindi kailangang manahimik.

Heart at John, umeksena sa concert ni Yeng!

Kinilig na naman ang fans nina Heart Evangelista at John Prats at nangyari ito sa concert ni Yeng Constantino sa Smart Araneta Coliseum na Biyaheng Bente. Nanood si Heart ng concert, biglang ipinakita siya na nakaupo at kasunod noon, ipinakita si John na siyang director ng concert.

Ang nakakatuwa pa, katabi ni Heart ang wifey ni John na si Isabel Oli na tawa rin nang tawa at naghahampasan pa silang dalawa. Ang gandang pagmasdan nina Heart at Isabel tapos tinutukso si Heart sa asawa ni Isabel.

Dahil sa maraming kinikilig at marami ang naghihintay ng project nina Heart at John, sana madaliin na.

IVANA ALAWI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with