^

PM Sports

Garcia, Nazario kampeon sa WR Bughouse Chees Open

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagparamdam ng lakas ang Bubu Chacha team nina Jem Garcia at Marc Christian Nazario nang pagulungin nila ang Benilde Blazers nina John Laurence Donguines at Daniel Baylosis sa deciding Game Three upang angkinin ang korona sa katatapos na WR Bughouse Chess Open na nilarao sa MICE Center sa Quezon City, Sabado ng gabi.

Sina Garcia na isang International Master na lalaro sa Philippine squad sa susunod na buwan sa World Chess Olympiad sa Uzbekistan, at Nazario ay dumaan sa butas ng karayom, yumuko sila sa unang laro sa finals pero nakahirit ng do-or-die Game 3 nang manalo sila sa pangalawang laban.

Nasikwat nina Garcia at Nazario ang P100,000 premyo sa toruanament na sinalihan ng mahigit 100 participants na nagbakbakan sa walong rounds kung saan ang top eight ay sasampa sa playoff stage.

Nalagay pa sa ala­ngananin sina Garcia at Nazario dahil luhod agad sila sa una nilang dalawang laro, subalit hindi nasira ang kanilang diskarte at bumangon sila upang kumadena ng panalo hanggang sa dulo.

CHESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with