^

Bansa

Harassment vs ‘Aleng Pulis’ tututukan ng DILG

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla na paiigtingin ng ahensiya ang aksiyon laban sa karahasan at harassment sa mga babaeng miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Sa budget deliberations sa Kongreso, sinabi ni Remulla na hindi dapat binabalewala ang mga reklamo ng gender-based violence, lalo na kung sangkot ang mga tauhan ng PNP. Aniya, pananagutin ang sinumang mapatutunayang lumabag sa batas.

Hiniling naman ni Gabriela Party-list Rep. Sarah Elago ang mas mahigpit na proteksiyon para sa mga babaeng pulis at ang pagrerepaso sa polisiya ng DILG sa settlement ng mga kaso ng Violence Against Women and their Children (VAWC).

Sinabi ni Remulla na susundin ng DILG ang panawagan at babaguhin ang kinakaila­ngang polisiya upang matiyak na hindi mapi­pilitang makipagkasundo ang mga biktima ng karahasan.

DILG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with