Reklamo ng 2 activist vs militar, ibinasura

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang mga reklamong kriminal at administratibo na isinampa ng environmental activists na sina Jhed Tamano at Jonila Castro laban sa ilang opisyal ng militar, pulisya at national security kaugnay ng alegasyon ng pagdukot, arbitrary detention at iba pang paglabag sa batas.
Sa resolusyon noong Hunyo 24, 2026, ibinasura ang mga reklamo para sa arbitrary detention, grave coercion, at umano’y paglabag sa RA 7438, RA 9745, at RA 10353.
Kasama rin sa ibinasura ang ilang kasong administratibo laban kay dating NSC Assistant Director General Jonathan Malaya at iba pang tauhan ng security sector.
Ayon sa Legal Cooperation Cluster, nabigo sina Tamano at Castro na magharap ng sapat na ebidensya upang maitatag ang kinakailangang antas ng patunay laban sa mga respondent.
Tinanggap ng NTF-ELCAC ang desisyon bilang “malaking legal vindication” para sa mga opisyal na isinangkot.
Giit ng task force, ang mabibigat na alegasyon ay dapat suportado nang sapat at mapagkakatiwalaan ebidensya, hindi ng paulit-ulit na akusasyon o publisidad.
- Latest























