^

Bansa

Kardinal, may paalala sa mga Pinoy

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Bunsod ng trahedya sa Nepal

MANILA, Philippines — Naglabas ng paalala ang isang cardinal ng Simbahang Katolika para sa mga Pinoy kasunod na rin ng trahedyang naganap sa Nepal kamakailan.

Sa isang pahayag, nagpaalala si Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na hindi na lamang usapin ng hinaharap ang epekto ng climate change.

“Climate change is no longer something we can speak about merely in the future tense,” aniya.

Tinukoy pa ng kardinal ang sakuna sa Himalayan region, malapit sa hangganan ng Nepal at Tibet, kung saan mala­king bahagi ng glacier ang bumagsak sa lambak at nagdulot ng pagragasa ng tubig, putik, bato at iba pang debris at nagresulta sa pagkamatay ng daan-daang indibidwal.

Ayon kay David, ang naturang sakuna ay paalala na ang mga pangyayari sa kabundukan ay may direktang epekto sa mga pamayanang nasa ibaba.

“What happens high above us does not remain there. When mountains of ancient ice collapse, whole communities thousands of meters below can be swept away within minutes,” aniya.

Inihambing pa ng kardinal ang pangyayari sa Nepal sa karanasan ng mga Kapampangan sa pagragasa ng lahar mula sa Mount Pinatubo matapos ang pagputok nito noong 1991.

“People described it as a herd of rampaging bulls coming down from the mountain. We know what it is like to watch a mountain come down as a river,” pahayag pa ni David.

Kaugnay nito, hinimok ni David ang mga mananampalataya na ipa­nalangin ang Nepal, lalo na ang mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay, mga nasugatan, nawawala at lumikas dahil sa trahedya.

Binigyang-diin din ng kardinal ang pananagutan ng bawat isa sa panga­ngalaga sa kalikasan.

KARDINAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with