^

Bansa

2 bagyo sa labas ng PAR, patuloy na binabantayan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
2 bagyo sa labas ng PAR, patuloy na binabantayan
Isa sa mga binabantayan ng PAGASA ang bagyong Saudel na dating­ bagyong Obet habang nasa PAR.
pagasa.dost.gov.ph

MANILA, Philippines — Dalawang bagyo ang patuloy na sinusubaybayan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Isa sa mga binabantayan ng PAGASA ang bagyong Saudel na dating­ bagyong Obet habang nasa PAR. Namataan si Saudel alas-8 ng umaga, Agosto 25, sa layong 1,120 km silangan-hilagang silangan ng extreme northern Luzon.Taglay ang lakas ng hangin na 150 kph at pagbugso hanggang 185 kph. Kumikilos ito pa-kanlurang hilagang-kanluran sa bilis na 20 kph.

Namataan naman ang ikalawang Tropical Depression Atsani sa layong 1,705 km silangan ng extreme northern Luzon. May lakas ito na 45 kph at pagbugso hanggang 60 kph at kumikilos pa-hilaga sa bilis na 15 kph. Samantala ang dating LPA na Neneng ay natunaw na.

Karamihan sa Luzon, kabilang ang Metro Manila, ay apektado ng Habagat na nagdudulot ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan.

PAGASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with