646 lugar sa 7 rehiyon lubog sa baha

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 646 lugar sa pitong rehiyon ang lubog pa rin sa baha habang nasa 2.3 milyong pamilya o kabuuang 8.1 milyong katao ang apektado ng malalakas na pag-ulan na dala ng southwest monsoon o habagat, ayon sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) kahapon, Agosto 30.
Kabilang sa mga apektado ang Central Luzon (Region III): 402 lugar sa Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at Zambales. MIMAROPA (Region IV-B): 151 lugar sa Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, at Romblon. National Capital Region (NCR): 53 lugar kabilang ang Malabon, Quezon City, Valenzuela, at Caloocan. Western Visayas (Region VI): 26 lugar sa Iloilo. Ilocos Region (Region I): 7 lugar sa Pangasinan, Dagupan City, La Union, at Ilocos Sur.
CALABARZON (Region IV-A): 6 lugar sa Cavite, Laguna, Rizal, at Batangas. Zamboanga Peninsula (Region IX): 1 lugar sa Zamboanga del Sur.
Nananatili ang death toll sa 32, 19 sugatan, at 3 nawawala.
- Latest



















