^

Bansa

PAGASA: 4-7 bagyo pa hanggang Disyembre

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
PAGASA: 4-7 bagyo pa hanggang Disyembre
Residents of Barangay San Juan and Palapat in Hagonoy, Bulacan, wade through floodwaters on August 22, 2026.
Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Apat hanggang pitong bagyo pa ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mula Setyembre hanggang Disyembre ngayong taon.

Ito ang pagtaya ni Ms. Liza Solis, Assistant Weather Services Chief ng Climatology and Agrometeorology Department ng PAGASA, kaugnay ng mga inaasahang weather disturbance.

Sa Setyembre, wala pang nakikitang magla-landfall na bagyo. Sa loob ng pitong inaasahang papasok, may posibilidad na maging Super Typhoon ang ilan.

Inaasahan na mas malakas ang mga bagyo sa Setyembre at Oktubre dahil sa El Niño.

Sinabi ni Solis na papasok ang El Niño sa katapusan ng taon, dahilan upang mas lumakas ang mga bagyo. Inihalimbawa niya ang taong 2023, kung saan pito sa 11 bagyo ay naging Super Typhoon.

Sa summer season ng 2027, inaasahang magi­ging matindi ang init dahil sa El Niño, na magdudulot ng kakaunting ulan. Pinayuhan ang publiko na maghanda at mag-ingat.

PAGASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with