^

Metro

‘Groomers’ ng online game tukoy na ng NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
‘Groomers’ ng online game tukoy na ng NBI
NBI director Melvin Matibag
Edd Gumban / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Tukoy na ng National Bureau of Investigation ang isang grupo ng “groomers” ng mga menor-de-edad sa online games.

Ayon kay NBI Director Atty. Melvin Matibag, napasok na ng bureau ang group chat na may libong miyembro kinabibilangan ng mga Pilipino at mula sa ibang bansa. Gayunman, nag-collapse na ang grupo.

Sinabi ni Matibag na pawang 12 hanggang 19-anyos, ang tina-target nito at pinagagawa ng karahasan ang mga biktima bilang bahagi ng “initiation”.

Dito na magkakaroon ng promotion, kung saan papatayin ang sarili ay mapo-promote ang mga ito sa “sainthood”.

Ani Matibag, malaki ang posibilidad na galing­ sa iisang grupo ng groomers ang nang-impluwensya sa mga estudyanteng shooter sa San Jose National High School sa Tacloban City at sa Ateneo de Zamboanga University sa Zamboanga.

Kasabay nito, magsasagawa rin ng profiling ang NBI sa mga nag-share online ng mga video footage ng school shooting para malaman ang kanilang partisipasyon.

Makikipagpulong ang NBI Director sa mga opisyal ng Office of the President, DICT, CICC at sa Meta sa Huwebes.

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with