^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Responsibilidad ng gun owner

Pilipino Star Ngayon

ANG isang baril ay hindi nagiging ligtas dahil­ lamang legal itong pag-aari.

Ito ang malinaw na aral mula sa dalawang trahedya sa Tacloban at Zamboanga, kung saan mga menor-de-edad ang nakagamit ng mga legal at government-issued firearms ng kanilang mga kamag-anak.

Sa Tacloban, ginamit ng isang 14-anyos ang service firearm ng kanyang tiyahing pulis. Sa Zamboanga naman, nakuha ng menor-de- edad na suspek ang mga baril ng kanyang ama, kabilang ang isang government-issued firearm.

Dahil dito, nananawagan si Interior Secretary Jonvic Remulla ng mas mabigat na parusa sa loose firearms, kabilang ang hanggang 20 taong pagkakakulong at pagiging non-bai­lable ng kaso.

Tama na higpitan ang batas laban sa illegal guns. Pero hindi dapat doon lang matapos ang usapan.

May isa pang butas na mas direktang ipi­nakita ng dalawang school shooting incident: safe storage.

Kung legal ang baril pero madaling maabot ng bata, hindi sapat ang pagiging legal nito.

Kung government-issued ang armas pero naiiwan sa sasakyan, locker o lugar na maa­aring makuha ng iba, may malinaw na problema sa pananagutan.

Sa Tacloban case, inirekomenda na ng pro­secutors ang pagsasampa ng reckless impru­dence resulting in multiple homicide and phy­sical injuries laban sa pulis na may-ari ng service firearm.

Mahalaga ito dahil ang responsibilidad ng gun owner ay hindi nagsisimula kapag may pumutok na.

Nagsisimula ito sa kung paano tinatago ang armas, sino ang may access dito, at kung gaano kaseryoso ang pag-iingat.

Tama rin ang panawagan na repasuhin ang firearm policies para sa uniformed personnel.

Ang baril na ipinagkatiwala ng gobyerno ay hindi personal na gamit na maaaring basta iwan kung saan-saan.

Kailangan ng mas malinaw na mandatory safe-storage rules, lalo na sa mga bahay na may menor-de-edad, at mas mabigat na pananagutan kapag ang kapabayaan ng may-ari ay nauwi sa pagkamatay o kapahamakan ng iba.

Kapag ang isang menor-de-edad ang nakahawak sa gatilyo, dapat ding tanungin kung sinong matanda ang nabigong tiyaking hindi ito napapunta sa kamay ng isang bata.

GUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with