^

Probinsiya

29 estudyante ‘nalason’ sa meryenda sa iskul

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 29 estudyante ang naratay sa pagamutan matapos na hinihina­lang nalason sa kinaing meryenda sa Tulalian National High School (TNHS) sa Santo Tomas, Davao del Norte noong Lunes.

Sa ulat ng lokal na pamahalaan ng Tulalian sa Facebook post sa Office of Civil Defense (OCD) Region XI at Department of Health (DOH) Region XI, ang nasabing mga estudyante ay agad na binigyan ng atensiyong medikal matapos na makaranas ng sintomas ng food poisoning.

Ang mga mag-aaral ay dumaing ng matinding pananakit ng tiyan, pagsusuka, pagkahilo at matinding pananakit ng ulo bunsod upang isugod sila sa Municipal Health Center para sa ebalwasyon at medikasyon.

Labingwalo sa mga estudyante ay ini-refer sa Davao del Norte Hospital sa bayan ng Carmen, apat sa Davao Regional Medical Center habang isa pang estudyante ang dinala sa isang pribadong ospital.

Sa report ng Santo Tomas Municipal Police Station (MPS), ang nasabing mga estudyante ay kumain ng binignit, isang uri ng kakanin sa lalawigan at uminom ng gulaman na ibinenta sa paaralan.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, posibleng bleaching powder sa halip na asukal ang naihalo sa pagkain at inumin na kinain ng naturang mga estudyante.

Gayunman, hinihintay pa ng mga awtoridad ang resulta ng laboratory examination sa mga sample ng kakanin at gulaman. 

Nasa kustodiya na ng pulisya ang tindera ng nasabing meryenda at posibleng maharap sa kaso depende sa kalalabasan ng imbestigasyon.

Sasagutin naman ng DOH Region XI, Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region XI at lokal na pamahalaan ang gastusin sa pagpapagamot ng mga estudyante.

STUDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with