^

PSN Palaro

Eala sigurado na ng P10 milyon sa US Open

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala sigurado na ng P10 milyon sa US Open
Alex Eala

MANILA, Philippines — Inaasahang tataba na naman ang bank account ni Alex Eala dahil limpak limpak ang makakamit nito sa US Open na gaganapin sa New York.

Sigurado na ng $160K o halos P10 milyon si Eala hindi pa man nagsisimula ang kampanya nito.

May $140,000 o P8.6 milyon na ito sa singles at $20,000 o P1.2 milyon sa mixed doubles.

Nakalaan ang $190K sa second round, $290K sa third round, $480K sa fourth round, $780K sa quarterfinals at $1,450K  sa semifinals.

Tumataginting na $5.5 milyon o P339 milyon ang maibubulsa ng magkakampeon habang may $2.8 mil­yon o mahigit P172 milyon naman para sa runner-up.

Mababawasan pa ito ng mga taxes na ipinatutupad sa Amerika gayundin ng mga personal expenses gaya ng coaches fee, hotel at iba pang gastusin ng isang pro player.

Excited na si Eala na humataw sa US Open — ang ikalawang pagkakataon na masisilayan ito sa main draw ng naturang grand slam event.

Matatandaang umabot si Eala sa second round ng US Open noong 2025.

Ngunit natalo ito kay Cristina Bucsa ng Spain sa iskor na 4-6, 3-6.

Sumalang sa pukpukang ensayo si Eala sa New York.

Nakasabay pa nito sa training sina world No. 1 Aryna Sabalenka at Grand Slam champion Naomi Osaka.

Nakatakdang sumalang si Eala sa mixed doubles event sa Martes ng gabi sa Louis Armstrong Stadium.

Kasama ni Eala si world No. 4 Felix Auger-Aliassime ng Canada.

Makakalaban nina Eala at Auger-Aliassime sina Gael Monfils at Elina Svitolina sa opening round.

Nasa New York na rin ang blue dinosaur na superfan ni Eala sa mga laban nito.

Sa isang post sa social media, nakita ang picture ng blue dinosaur na may cape na bandila ng Pilipinas.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with