Legarda pinalawig medical leave hanggang Setyembre 2
MANILA, Philippines — Pinalawig ni Sen. Loren Legarda ang kanyang medical leave hanggang Setyembre 2, 2026.
Kinumpirma ni Senate Secretary Renato Bantug na muling nagpadala ng notice si Legarda na siya ay naka-medical leave mula Agosto 24-26 at sa susunod na linggo o mula Setyembre 1-2.
“Office of Sen. Legarda sent notice today that the Senator shall be on medical leave from August 24 to 26 and September 1 to 2,” ani Bantug.
Ito ang ika-apat na medical leave na inihain ni Legarda. Ang mga nauna ay noong Agosto 3-5, Agosto 11-12, at Agosto 17-19.
Kaugnay nito, inihayag ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson noong Sabado na nakausap niya si Legarda at wala siyang duda na mayroon itong problema sa kanyang kalusugan.
“Noong nasa labas tumawag siya sa amin minsan, sinabi niya lang na may problema daw ang kanyang lungs and I can only sympathize with her. Totoong may dinaramdam may karamdaman..: wala ako reason to doubt na meron s’ya medical problem,” ani Lacson.
Idinagdag pa ni Lacson na umaasa siya na magiging mabuti ang kalagayan ni Legarda na rati nilang kasama sa tinatawag na “Mythical Five” sa Senado.
- Latest























