^

Bansa

Castro binantaang babarilin ng guro sa Cebu

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Castro binantaang babarilin ng guro sa Cebu
Pa­lace Press Officer Atty. Claire Castro
Presidential Communications Office

MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ni Pa­lace Press Officer Atty. Claire Castro ang ACT Teachers party-list kung ano ang gagawing aksiyon sa guro sa Danao City, Cebu na nagbantang babarilin siya sa bunganga.

“Ang tanong natin, tama ba ito ACT Teachers party-list? Anong gagawin n’yo, anong balak n’yo?” ani Castro.

Naniniwala si Castro na bilang party-list na kumakatawan sa mga guro sa Kongreso, dapat magpakita ng aksiyon ang ACT Teachers. Dapat aniyang itama ng ACT Teachers party-list ang ibang guro na naliliko na sa tunay na layunin ng kanilang propesyon.

Kung susuriin aniya, nagsimula ang isyu dahil binago ang kanyang sinabi patungkol sa mga guro na lumalabag sa moralidad ng pagtuturo at madami kaagad sumakay sa isyu.

Ayon pa kay Castro, kung hindi ini-spin (spin) ang sinabi niya at hindi ginawan ng ibang kuwento ay wala sanang debate.

Sinabi rin ni Castro na responsibilidad ng ACT Teachers na itama ang maling aksiyon ng mga gurong kanilang ikinakatawan sa Kongreso.

Nauna nang napaulat na sinabi ni Castro na posibleng patung-patong ang kaharaping kaso ng guro sa Cebu na nagbantang babarilin siya sa bunganga.

Aniya, hindi simpleng grave threat ang pagbabantang ginawa ng guro dahil inihayag ito online at kapag napatunayan ay may kulong na hanggang apat na taon.

CLAIRE

CLAIRE CASTRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with