Thompson lilipat sa Heat; DeRozan sa Nuggets

NEW YORK — Lalagdaan ni Klay Thompson ang isang two-year, $13 million deal sa Miami Heat matapos ang contract buyout mula sa Dallas Mavericks.
Pipirmahan naman ni free agent DeMar DeRozan sa Denver Nuggets ang isang one-year, $3.9 million deal.
Nakatakda sanang tumanggap ang 36-anyos na si Thompson ng $17.5 million sa final season ng kanyang kontrata sa Mavericks bago ang nasabing buyout.
Tinarget ng Heat si Thompson matapos ang isang blockbuster trade kay Giannis Antetokounmpo mula sa Milwaukee Bucks.
Naglaro si Thompson ng dalawang seasons para sa Dallas at naglista ng average na 12.9 points tampok ang 38.7% sa three-point range.
Inungusan ni Thompson si Damian Lillard sa nakaraang season sa fourth place sa career 3-pointers made sa isinalpak niyang 2,899 triples.
Ibinuhos ni Thompson ang unang 13 seasons ng kanyang career sa Golden State Warriors bago nalipat sa Mavericks sa isang sign-and-trade deal noong 2024.
Samantala, bago pumayag sa Nuggets ay nakipag-usap si DeRozan sa Heat, Washington Wizards at New Orleans Pelicans sa free agency.
- Latest



















