Estudyante, patay sa leptospirosis
Nag-swimming sa baha
MANILA, Philippines — Isang 17-anyos na estudyante ang nasawi sa leptospirosis matapos umanong magswimming sa baha sa Navotas City.
Lumilitaw sa ulat na nakagat umano ang biktima ng daga at makalipas ang dalawang linggo ay naligo sa baha kasama ang kanyang mga kaibigan.
Ayon sa kanyang ina, nanghina ang biktima isang araw matapos lumusong sa baha kaya dinala siya ng pamilya sa Navotas City Hospital.
“Yung doktor po na kausap namin, tingin pa lang po, alam na nila na leptos po,” anang nanay ng biktima sa isang ulat. Dalawang araw lang bumigay na siya,” aniya.
Hindi pa malinaw sa ulat kung sa kagat ng daga o exposure sa kontaminadong baha nakuha ng biktima ang impeksyon.
Paalala ng mga awtoridad, iwasan magtampisaw sa baha upang hindi makakuha ng anumang uri ng sakit.
- Latest





















