^

Bansa

Ateneo shooter ginamit PWD ramp kaya nakalusot sa security check

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posibleng sadyang ginamit ng menor de edad na suspek sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University (ADZU) ang ramp na para sa mga ­estudyanteng may kapansanan upang makaiwas sa regular na security check, ayon sa Zamboanga City Police Office (ZCPO).

Sinabi ni ZCPO director Col. Fidel Fortaleza Jr., pumasok ang suspek sa campus dakong alas-7:44 ng umaga sakay ng pickup at ibinaba sa ramp area, kaya hindi na dumaan sa regular na inspeksyon sa main entrance. Dito umano naipasok ang bag na naglalaman ng dalawang pistolang ginamit sa pamamaril.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Women and Children, sinabi ni Fortaleza na walang security check sa ramp, bagama’t may mga guwardiya sa pangunahing gate.

Dahil dito, sinabi ni Fortaleza na isa ito sa mga indikasyong may intensyon ang suspek na ipuslit ang mga baril at isagawa ang pamamaril. Una nang naiulat na pag-aari ng ama ng suspek ang mga baril at naiwan umano ang mga ito sa sasakyang ginamit sa paghatid sa kanya sa paaralan.

Sa imbestigasyon, unang nagpaputok ang suspek sa Room 405 sa fourth floor ng junior high school building bago lumipat sa Room 404, kung saan tinamaan ang isa sa mga biktima.

Makalipas ang ilang minuto, umakyat siya sa fifth floor at nagbaril sa sarili.  

Dagdag ni Fortaleza, nasaksihan ito ng mga rumespondeng pulis na paulit-ulit siyang pinababa ang armas bago siya tuluyang nagpaputok sa sarili.

 

PWD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with