^

Bansa

Walang forensic o documentary evidence vs Romualdez - Fajardo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iginiit ni Atty. Ade Fajardo, legal counsel ni dating Speaker Martin Romualdez, na walang forensic o dokumentaryong ebidensya na magdadawit sa kanyang kliyente kaugnay ng umano’y male-maletang cash na idineliber dito sa tinaguriang flood control scam.

Sa press briefing sa Quezon City nitong Huwebes, binigyang-diin ni Fajardo na tanging mga testimonya ng tinaguriang Maleta boys ang hawak ng Ombudsman, ngunit ito’y magkakasalungat at paulit-ulit na nagbabago. Ginawa ni Fajardo ang pahayag sa gitna na rin ng isa-isang pagbabaliktaran ng mga testigo kabilang si Orly Guteza, dating miyembro ng Philippine Marines.

“Hindi namin ma-predict, hindi namin mahulaan kung sino pa ang babaliktad o sino pa ang magsasabi ng katotohanan,” ani Fajardo.

“Only oral evidence or oral testimony na alam naman natin, ito iyong pinaka-unreliable… That’s why we have laws on perjury, libel, etcetera, kasi these things are easily manufactured,” ani Fajardo.

Apat na sa 18 Maleta boys ang bumaligtad ng testimonya, kabilang si Guteza na una nang tumestigo sa Senado noong Setyembre 2025. Si Guteza ang sinasabing nag-recruit at nag-deliver ng maleta-maleta umanong pera.

Ayon sa mga ulat, binayaran umano ng tig-P5 milyon ang mga Maleta boys para magturo ng mga taong pinadalhan ng cash. Itinanggi ng kampo ni Romualdez na siya ang nasa likod ng pagbaliktad ng ilang testigo.

“It’s a non-case. It should be dismissed kasi wala nang ebidensya maliban sa kuwento, at ang kuwento ay iba-iba; ang kuwento ay nababaliktad,” ani Fajardo.

 

MARTIN ROMUALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with