DOH, handa sa pagtaas ng kaso ng leptospirosis

MANILA, Philippines — Binisita ni Department of Health (DOH) Secretary Edwin Mercado ang San Lazaro Hospital (SLH) upang tiyakin ang kahandaan nito sa inaasahang pagdami ng kaso ng leptospirosis kasunod ng mga pag-ulan at pagbaha.
Ayon sa DOH, naka-activate na ang Leptospirosis Express Lane para sa mabilis na gamutan. May nakalaang antibiotic, Rapid Diagnostic Tests, at Hemodialysis Units para sa mga pasyenteng may moderate hanggang severe cases.
Tiniyak din ng DOH Hospitals na may nakahandang surge capacity beds sakaling dumami ang mga pasyente.
Paalala ng DOH, libre ang pagpapakonsulta sa pinakamalapit na DOH Health Facility at YAKAP Clinic. Sundin ang payo ng doktor sa tamang pag-inom ng gamot, lalo na kung lumusong o nababad sa baha. Magpakonsulta kahit may sintomas o wala, upang maiwasan ang komplikasyon.
- Latest



















