^

Bansa

100 violent websites ipasasara ng telcos

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
100 violent websites ipasasara ng telcos
Ayon sa pahayag ng PLDT na pinamumunuan ni Manuel “Manny” V. Pangilinan, mahigit 100 website ang kanilang iba-block matapos mapatunayang nag-stream ng mga kuha ng pamamaril at karahasan.
STAR/File

PLDT, Smart, Globe kumilos

MANILA, Philippines — Iba-block ng PLDT Inc., Smart Communications Inc., at Globe Telecom ang mga website na nagho-host o nagli-livestream ng mga kuha ng school shooting at iba pang matinding karahasan, kasunod ng insidente sa Ateneo de Zamboanga University na ikinasawi ng dalawang estudyante.

Ayon sa pahayag ng PLDT na pinamumunuan ni Manuel “Manny” V. Pangilinan, mahigit 100 website ang kanilang iba-block matapos mapatunayang nag-stream ng mga kuha ng pamamaril at karahasan. Saklaw rin ng hakbang ang network ng wireless arm nitong Smart, kaya hindi na maa-access ng mga subscriber ang mga naturang site.

“This is something we do not tolerate… Our networks will not be used as a channel for content that glorifies violence and puts our communities, especially our children, at risk,” ani PLDT COO Butch Jimenez, na naggiit na magpapatuloy ang pagtukoy at pag-block sa mga kahalintulad na website.

“We have decided to ban these kinds of sites preemptively, as soon as they are discovered. Our networks will not be used as a channel for content that glorifies violence and puts our communities, especially our children, at risk,” dagdag niya.

Samantala, sinabi ni Globe General Counsel Froilan Castelo na may responsibilidad ang industriya ng telekomunikasyon na gawing mas ligtas ang online environment. “The recent school shooting incident is one opportunity where the industry can work together by removing sites that induce violence in our networks. At Globe, we are ready to do our part and protect children online,” wika niya.

Ang hakbang ay ginawa tatlong araw matapos ang pamamaril sa ADZU Junior High School sa Zamboanga City, kung saan binaril ng isang 14-anyos na estudyante ang kaniyang kaklase bago nagpakamatay. Dalawa pa ang sugatan sa insidente na nai-livestream sa Facebook at isa pang website.

Binanggit ni Interior Secretary Jonvic Remulla na ito na ang ikalawang insidente ng pamamaril sa paaralan na may nasawi, kasunod  g pamamaril noong Hunyo sa San Jose National High School sa Tacloban, Leyte, na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng hindi bababa sa 20.

Patuloy ang imbestigasyon kung may kinalaman ang online gaming na Roblox, habang naunang sinuspinde ng gobyerno ang Gorebox.

Dagdag pa ng PLDT, bahagi ang hakbang na ito nang mas malawak na programa para sa child protection at online safety, kabilang ang pag-block sa mga website na nagho-host ng child sexual abuse material.

Noong 2025, iniulat ng Globe na naka-block ito ng 438,446 domains at URLs na naglalaman ng child sexual abuse and exploitation materials, na sinuportahan nang mahigit $2.7 milyon na pamumuhunan sa content filtering at blocking systems.

Tiniyak ng mga telco na magpapatuloy ang pakikipag-ugnayan sa gobyerno at mga lokal at internasyonal na organisasyon upang tugunan ang patuloy na pagbabago ng mga banta online. Nauna na ring sinabi ng PLDT at Smart na handa silang i-block ang Roblox sakaling iutos ng pamahalaan.

WEBSITES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with