^

Punto Mo

Marikina Cong. Teodoro kinasuhan ng 4 counts ng rape at acts of lasciviousness

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinampahan ng Department of Justice (DOJ) sa Marikina Regional Trial Court (RTC) ng mga kasong rape at acts of lasciviousness si Marikina 1st District Rep. Marcelino “Marcy” Reyes Teodoro.

Ayon kay DO spokesman Polo Martinez, na naipadala na sa korte ang information na inirekomenda ng National Prosecution Service (NPS) hinggil sa 4 counts ng rape by sexual assault at isang bilang ng acts of lasciviousness.

Sinabi ni Martinez na iwasang maglathala ng mga kopya ng anumang resolusyon hanggat wala pang opisyal na resolusyon at kung saan isinampa ang kaso dahil draft pa lamang aniya, at hindi official.

Ang mga kaso ay nag-ugat sa mga alegasyon ng dalawang babaeng pulis na dating nagsilbi bilang close-in security detail ni Teodoro.

Ang isang opisyal ay nag-ulat ng mga insidente ng kalaswaan, habang ang pangalawa ay nag-akusa ng maraming insidente ng sexual assault at acts of lasciviousness.

Nang unang isampa ang mga reklamo noong Setyembre 2025, ­sinimulan ng DOJ ang case build-up at legal evaluation sa ilalim ng Department Circular 20 (2023) upang alamin kung may sapat na ebidensya para magpatuloy sa preliminary investigation.

Una nang itinanggi ni Teodoro ang alegasyon na malisyoso umano at hindi totoo.

MARCELINO TEODORO

RAPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with