Mga proyekto sa mga Capiznon Isinusulong ni Gob. Castro
SA kabila ng mga haka-hakang ipagpaliban muna ang Barangay at Sanguniang Kabataan (BSK) sa November 2028, sangkaterbang kuro-kuro ang nakatutulig na usap-usap sa buong kapuluan dahil ayon sa mga ito, sawa na sila sa kanilang mga walang silbing barangay opisyal at tumanda ng mga SK officers. Kung sabagay, hindi naman napuputol ang ayuda mula sa mga Local Government Units at sa mismong sa mga tanggapan ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., lalong-lalo na sa tuwing may kalamidad.
Ang masklap lang nito may ilang mga kababayan tayo na ang inirereklamo mismo ay itong hindi patas na pagtrato ng ilang mga nakapuwestong mga ‘Kupitan’ este Barangay Kapitan dahil mas inuuna ng mga ito ang kani-kanilang mga kapanalig bukod sa kanilang kaanak na ang dapat na mga makatanggap ng ayuda na mga naghihikahos na constituent ay wala sa mga listahan. Hehehe! Kaya’t ang sigaw nila kay Commission on Election Chairman Erwin Garcia, ituloy na ang eleksyon sa darating na Nobyembre 2026 upang matuldukan ang pananamantala ng mga ‘Kupitan’ este mga Barangay Kapitan at mga kagawad nito ng magkaroon ng pagbabago ang agos ng ayuda para sa mga mangangailangan. Get nyo mga suki? Malaking “Yes” ‘yan para sa mga nagnanais ng pagbabago at nais tumulong sa mga kababayan natin kung magbabago na ang mailuklok sa puwesto.
Samantala, magandang balita ito para sa mga Capiznon. Ito palang si Capiz Governor Fredenil ‘Oto’ Castro ay todo-todo ang pagpursige sa mga naantalang proyekto at sa nalalapit na mga araw ay magugulantang na lamang ang mga Capiznon na nakatayo na ang mga proyektong pinangarap nila na pinag-ukulan mismo ng panahon ni Gov. Castro. Hehehe! Kung sabagay, hindi matatawaran itong kasipagan ni Castro para sa Capiz dahil ang kapakinabangan nito ay para sa mga Capiznon at sa mga kalapit na mga lalawigan sa Western Visayas Region.
Sa totoo lang, malaking accomplishment itong pagpupursige ni Gob. Castro sa sektor ng kalusugan. Sa impormasyong ipinarating sa atin, itong Roxas Memorial Hospital ay hindi na pahuhuli sa mga makabagong aparato upang makapagbigay lunas sa mga mahihirap na nagkakasakit. Oras na maging full operational na ito, hindi na luluwa ng limpak-limpak na datung ang mga mahihirap nating mga kababayan para mabayaran ng kanilang bills. Hehehe! Zero Bayad kaya itong pahiwatig ng impormasyon ipinukol satin? Abangan!
- Latest















