^

PSN Opinyon

Opisyal ng COA lusot sa impeachment

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon
Opisyal ng COA lusot sa impeachment

Naudlot ang pag-impeach kay Audit Commissioner Mario Lipana.

Malamang mag-retire na si Lipana sa Feb. 2, 2027. Kukubra siya ng retirement benefits para sa 44 taong civil service. Tatanggap siya ng buwanang pensyong katumbas ng sweldo – P240,000.

Plinanong i-impeach si Lipana nu’ng sinangkot siya sa flood control scam. Nakakuha umano siya ng P1.4-bilyong “allocables”, o overpriced na kontratang pang-public works. Nabunyag din na kontratista sa DPWH ang esposa niyang si Marilou Laurio. Isang kontrata nito ang pagtayo ng bagong COA building nu’ng 2021.

Bawal sa Konstitusyon magkaroon ng ibang trabaho ang Audit, Civil Service, at Election commissioners. Bawal din magpatakbo ng negosyo. At lalong bawal magka-interes sa anomang kontrata sa gobyerno o anomang ahensya nito.

Binunyag sa Senate Blue Ribbon Committee ni state witness DPWH Bulacan district engineer Henry Alcantara na humingi sa kaniya si Lipana ng “allocables” nu’ng 2022. Nakakuha ito ng P500 milyon nu’ng 2023, P400 milyon nu’ng 2024, at P500 milyon nu’ng 2025. Kinumpirma ito ni state witness DPWH Usec. Roberto Bernardo.

Hindi nakuha ng BRC nu’ng Sept.-Nov. 2025 ang panig ni Lipana. Kasi tumungo siya sa Singapore nu’ng Aug. 1, 2025. Apat na araw pa lang noon mula nu’ng binunyag ni President Bongbong Marcos ang flood works scandal sa State of the Nation, July 28, 2025, at sinabi sa mga sangkot, “Mahiya naman kayo!”

Impeachable umano ang sala ni Lipana, ani Senator Kiko Pangilinan noon. Pasok ang kaso bilang betrayal of public trust, dagdag ni Rep. Leila De Lima.

Pero walang naghabla sa House of Reps. Naging abala si De Lima sa impeachment investigation ni VP Sara Duterte nu’ng Feb. 2026. At ngayo’y senator-judge si Pangilinan sa pitong buwang paglilitis ni Sara.

COA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with