Derek Ramsay nagsalita sa pekeng plaka ng Porsche

MANILA, Philippines — Nagsalita na ang aktor at negosyanteng si Derek Ramsay kaugnay ng kontrobersiya sa umano’y paggamit ng pekeng plaka sa kanyang Porsche 918 Spyder.
Sa kanyang Instagram Story, mariing itinanggi ni Ramsay na gumagamit siya ng pekeng plaka sa kanyang mga sasakyan.
Aniya, “I do not drive any cars with fake plates. All my vehicles have proper plates.”
Hiniling din ni Ramsay sa publiko na basahin nang mabuti ang inilabas na pahayag ng LTO upang higit na maunawaan ang isyu.
Ayon sa Land Transportation Office (LTO), napatunayan nitong iba ang alphanumeric combination ng plakang nakakabit sa Porsche kumpara sa orihinal na plate number nito.
Sinabi rin ng aktor na hindi pa siya nakatatanggap ng show-cause order mula sa LTO. Gayunman, tiniyak niyang makikipagtulungan siya at haharap sa ahensiya sakaling kailanganin.
“Driving with fake plates is wrong and should not be tolerated,” pahayag ni Ramsay, habang humingi rin siya ng paumanhin sa naging kontrobersiya.
- Latest
















