Kwestyonableng ‘lump sum’ sa 2027 national budget nasilip ni Lacson

MANILA, Philippines — Nasilip ni Senador Panfilo Lacosn ang kwestiyonableng lump sum appropriations para sa infrastructure projects sa panukalang 2027 national budget.
Sinabi ni Lacson na nakita nila ang lump sum appropriations ng mga ahensiya ng gobyerno at maaaring kwestyunin ito sa briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa Agosto 27.
“When we say lump sum appropriation, an aggregate amount is appropriated for a project, activity or program (PAP), or group of projects without detailing the breakdown of the cost of each PAP,” paliwanag ng Senador.
Dahil dito, hihingi aniya sila ng paglilinaw sa nasabing lump sum appropriations.
Ang lump sum appropriations ay pinapayagan para sa calamity funds dahil hindi malalaman kung kailangan ito tatama. Gayunman, nagiging kwestyunable aniya ito kapag inilaan ito sa infrastructure projects kaya dapat na malaman ang detalye nito.
Nauna nang natanggap ng Senado ang P7.2 trillion National Expenditure Program (NEP) noong Agosto 11.
- Latest
















