2 DICT execs sinibak, 2 DOH officias nagbitiw

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Malacañang na dalawang senior officials ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang sinibak sa puwesto.
“Confirmed,” maikling tugon ni Palace Press Officer Claire Castro nang tanungin hinggil dito. Tumanggi siyang tukuyin ang mga pangalan, subalit batay sa impormasyon, kabilang sa tinanggal ay sina DICT Undersecretary Christina Faye Condez-de Sagon at Assistant Secretary for Regional Development June Vincent Manuel Gaudan.
Samantala, tinanggap na rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang courtesy resignation ng dalawang opisyal ng Department of Health — sina Undersecretaries Randy Escolango at Matthew Baggao.
Hindi tinukoy ng Palasyo ang dahilan ng pagbibitiw, ngunit si Escolango at dating Health Secretary Teodoro Herbosa ay nahaharap sa kasong graft, grave misconduct, at iba pang reklamo na inihain ng grupo ng concerned employees ng DOH.
- Latest















