^

PSN Palaro

Nxled winalis ng Farm Fresh sa Tubod

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Nxled winalis ng Farm Fresh sa Tubod
Lusot ang palo ni Royse Tubino ng Farm Fresh sa pagitan ng depensa nina Jackie Acuña at Gel Cayuna ng Nxled.
PVL photo

MANILA, Philippines — Sumampa sa win column ang Farm Fresh matapos walisin ang Nxled, 25-23, 25-13, 25-22, sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) On Tour kahapon sa Mindanao Civic Center Gymnasium sa Tubod, Lanao del Norte.

Pumalo si Ces Molina at Trisha Tubu ng tig-16 points, habang may 12 markers si Royse Tubino para sa 1-1 baraha ng Foxies na bumangon mula sa 17-25, 26-24, 19-25, 24-26 kabiguan sa Galeries Tower Highrisers noong Hulyo 11 sa Batangas City.

“Siguro binilisan lang talaga namin iyong game and right preparation din,” sabi ni setter Louie Romero na nagtala ng 14 excellent sets para sa tropa ni Japanese coach Koji Tsuzurabara.

Nadiskaril ang target na ikatlong sunod na panalo ng Chameleons para sa 2-2 marka kung saan walang player ang nakapagtala ng double digit sa scoring.

Mula sa 16-11 abante ay itinakas ng Farm Fresh ang 25-23 panalo sa first set bago itayo ang 18-9 kalamangan sa second frame.

Ang down-the-line attack ni Molina ang tumapos sa Nxled, 25-13.

Muling lumamang ang Foxies sa 8-3 sa third set hanggang maagaw ng Chameleons ang bentahe sa 21-19 sa likod nina Myla Pablo, Jonah Sabate-Escamillan, Fil-Am middle blocker MJ Phillips at Lyann de Guzman.

Ngunit bumalikwas ang Farm Fresh at kinuha ang 23-22 abante mula sa hataw ni Molina patungo sa match point matapos ang attack error ni Jovelyn Fernandez sa panig ng Nxled.

Ang service ace ni Risa Cruz ang tuluyan nang sumelyo sa unang panalo ng Foxies.

Samantala, kaagad makikita sa aksyon si Jaja Santiago-Minowa para sa Creamline sa pagsagupa sa Choco Mucho sa ‘Rebisco Volleyball Sisterhood Showdown’, isang exhibition game na lalaruin ngayong hapon sa Aquilino Pimentel International Convention Center sa Cagayan de Oro City.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with