^

PSN Opinyon

Ang nakakatawang ‘confidential agents’ ni Sara

BARDAGULAN - Ronald M. LLamas - Pilipino Star Ngayon

Sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na nakasentro sa kanyang kwestyunableng paggamit ng P125 million confidential funds, isa-isang lumilitaw ang mga pangalan ng kanyang mga diumano’y confidential agents na nabigyan ng pondo para sa mga so-called confi­dential activities.

Ilan sa mga pangalan ay sina: Mary Grace Piattos, Renan Piatos, Pia Piatos-Lim, Matthew N. Keso, Miggy Mango, Jay Kamote, Ralph Josh Bacon, Beverly Claire Pampano, Mico Harina, Alejandro Pikit, Gabriel Bisaya, Xiaome Ocho, Connor Contis, Heart Santiago, Anne Ongpauco, Diane Maple Lapid, John A. Lapid, Clarisse Hontiveros, Beth Revilla, Feonna Villegas, Kristine Applegate Estrada, at Denise Tanya Escudero.

Hindi ito joke. ‘Yan talaga ang mga pangalan na isinumite sa Commission on Audit (COA). Hindi mo tuloy malaman kung intelligence operation ba ito o grocery list ni Sara.

Pati si Atty. Lorna Kapunan, napailing. “Gumawa ata ng fruit salad ito, may kamote, may mangga, may keso,” banat niya habang inilalatag ang mga kontrobersiyal na acknowledgment receipts.

Pati ang pangalan ni Akbayan Rep. Chel Diokno ay hindi nakaligtas. Sa listahan, may isang “Jose Diokno Jr.” na na­itala na tumanggap ng P120,000. Mabilis ang paglilinaw ni Chel. Ang kanyang buong pangalan ay Jose Manuel Diokno. Kinantiyawan pa niya ang mga trolls. Kung ipipilit daw na isa siya sa mga recipient, maliwanag na ginamit nang mali ni Sara ang pondo.

Bakit ganito kababoy at kasablay ang liquidation ng mil­yung-milyong confidential funds ni Sara? O baka naman expert siya sa ibang klaseng liquidation?

Ayon sa COA, P125 milyon ng confidential funds ng OVP noong 2022 ang naubos sa loob lamang ng 11 araw. Sa impeachment trial, muling sinusuri ang acknowledgment receipts, mga pangalan ng diumano’y mga recipient, at mga dokumentong sumusuporta sa paggastos. At ang lumalabas, maraming mga transaksiyon ang walang sapat na supporting documents at mga disbursement na kuwestiyonable sa ilalim ng rules sa confidential funds.

At ito ang mahalagang punto. Lehitimong budget item ang confidential fund. Tinutugunan nito ang security at intelligence concerns ng ating bansa. At dahil confidential ang nature nito, mas mahigpit dapat ang pag-audit nito. Hindi porke’t confidential ang pondo, confidential na rin ang katotohanan at pananagutan.

Hindi puwedeng “classified” ang lahat kapag pera ng taumbayan ang pinag-uusapan. Kung hindi, ang “confidential fund” ay mauuwi sa “confidential plunder.”

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with