Himala: Nakaligtas sa naghuramentadong kalabaw! (Part 1)
NANGYARI ito noong ako ay binatilyo pa lamang at katulong ni Tatay sa pagbubukid. Palibhasa’y ako ang nag-iisang lalaki sa aming limang magkakapatid kaya obligado akong tulungan si Tatay. Kapag walang pasok sa school, tinutulungan ko si Tatay sa pag-aararo sa lupang tataniman ng palay.
Dati, dalawa ang aming kalabaw na ginagamit pero nagkasakit ang isa at namatay. Kaya halinhinan kami ni Tatay sa pag-aararo. Mahusay akong mag-araro dahil sa pagtuturo ni Tatay. Ganunman, hindi raw dapat akong manatiling magsasaka—kailangan makatapos ako ng pag-aaral. Balak kong kumuha ng Engineering.
Minsan, masama ang katawan ni Tatay kaya hindi siya puwedeng magtrabaho sa bukid.
Ako ang mag-isang nagtrabaho sa bukid gamit ang kalabaw.
Subalit isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap habang ako ay nag-aararo.
Itutuloy
- Latest















