It girls, wasak na ang friendship!
Napapansin na ngayon ang malamig na friendship ng magagandang It girls na madalas nating nakikita sa social media.
Bakit hindi na raw ngayon madalas na magkasama sa mga ipino-post nila sa social media.
Sabi ng ilang taong close sa kanila, baka busy lang silang lahat. Pero nung nagkasabay na mag-guest sina pretty actress at si vavaboom actress sa isang weekly show, marami ang nakapansin na hindi sila nagbabatian.
Alam nilang mag-BFF talaga sila, pero bakit hindi raw sila nag-uusap.
Mukhang may something daw talaga na hindi lang alam kung ano ang dahilan.
May isa pa silang friend na dating beauty queen, hindi na rin daw madalas na nakakasama ni pretty actress. Pareho silang nasangkot sa isang gulong umabot sa demandahan. Ito raw kaya ang dahilan na hindi na sila ganun ka-okay?
Chanda, may sagot sa ‘violence’ ni Coco
Kasama ng National Artist na si Ricky Lee si Ms. Chanda Romero na dumalo sa gala night ng Cinemalaya entry na Mag-iina. Sandali namin siyang nakatsikahan bago nagsimula ang screening at napag-usapan naming kinuha siya uli Coco Martin para sa Sigabo. Kasama rin siya sa FPJ’s Ang Batang Quiapo at kinuha siya ulit sa Sigabo.
Nakikita naman kay Coco na kapag gusto ka niyang katrabaho, wala siyang pakialam kung isasama ka niya ulit. “Second time pa naman ‘to, so hindi naman masyadong paborito,” bulalas ni Chanda.
Pero sa tatlong teleserye ni Coco, naka-dalawa na siya. “Nice naman, oo. Nice naman na we got along. At saka nagustuhan niya ‘yung work ko. Kukunin ka niya uli na parang ‘wow, I must have done something good.’ Nagustuhan niya ‘yung work ko sa Batang Quiapo. Binibiro ko nga siya, sabi ko, ‘o, huwag masyadong maaga ang pagpatay sa akin ha? Baka patayin mo na naman ako. Tapos iiwan mo na naman ako... ang katawan ko, iiwan n’yo sa lansangan!” bulalas ni Chanda.
Hiningan namin siya ng reaksyon na napansin na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Sigabo at napapatawag na nga sila.
“It’s just guidelines na ano... is just guidelines,” pagkibit balikat ng magaling na aktres. Sabi pa ni Chanda, “Si Coco naman is open na ano... He is a respectful boy. He is a respectful son. He is a respectful co-actor. Kahit na gaano ka... actually if you look at him – he is a powerful man. Pero he doesn’t willed that power around.
“Parang nirerespeto niya ‘yung seniors niya. Mahal niya ‘yung lola niya, mahal niya ‘yung nanay niya. And that goes to show what kind a good person he is. Kung gaano niya kamahal ‘yung lola niya, so ganun din ‘yung respetong binibigay niya sa amin.
“And any form of authority like the MTRCB, bukas siya roon. Kasi, ano siya parang... o maybe this is something we should think of also. Baka masyado na tayong... masyado tayong engrossed sa ginagawa natin na baka meron tayong hindi nako-consider na mga aspects na... so, right away dinala niya ‘yung buong team. Sa loob-loob ko, ‘ay wala akong pakialam... hindi ako kasama sa violence.’ Pero violent din ako,” diretsong pahayag ni Chanda Romero.
- Latest




















