^

Bansa

Luzon pinadapa ng habagat

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Luzon pinadapa ng habagat
Epekto ng Habagat
Miguel De Guzman

3 patay sa Batangas

MANILA, Philippines — Pinadapa ng Habagat ang ilang bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila kung saan tatlo katao ang iniulat na nasawi sa lalawigan ng Batangas.

Sa report ni Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Chief Fe Fernandez ­nitong Linggo, Agosto 9, kabilang sa mga nasawi ay isang lalaking nakur­yente sa paglalakad sa tubig baha sa Lipa City.

Isa ang nalunod sa Brgy. San Jose Sico, Batangas City at isa naman ang nalibing ng buhay sa landslide sa Brgy. Kalumala, Sta. Teresita ng lalawigan.

Ayon sa opisyal, ang Lipa City ay dumanas ng grabeng pagbaha simula pa nitong Sabado ng gabi. Nasa 15 barangay ang pinaka matinding naapektuhan habang nasa 229 pamilya ang inilikas. Dahil sa matin­ding pagbaha ay nasira ang konkretong pader sa Fernando Air Base ng Philippine Air Force (PAF) sa Lipa City.

Ayon pa sa opisyal, hindi na makayanan ng drainage system sa lungsod ang mataas na tubig baha na rumagasa sa mga kabahayan.

Samantala sa report ng Office of Civil Defense (OCD), 182 lugar sa hilagang Luzon, CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) ang lumubog sa baha.

Ayon kay OCD Deputy Administrator at Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejando IV, nasa 110,000 pamilya o katumbas na 382,000 indibidwal ang apektado ng kalamidad sa Region I, II, III. V, IX, Cordillera Admi­nistrative Region (CAR)  at CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon. Sa nasabing bilang ay nasa 2,200 pamilya o 7,300 ang kinakanlong sa nasa 86 evacuation centers sa mga apektadong lugar.

Inihayag ni Alejandro na karamihan sa landslides ay sa Region 1 at CAR kabilang sa Be­nguet at Baguio kung saan meron din mga insidente ng rockslides habang patuloy pa rin ang pangangalap ng report.

Ang pitong nasugatan ay mula sa CAR partikular na sa Benguet habang wala namang iniulat na nawawala. Nasa 569 namang mga Local Go­vernment Units (LGUs) ang nag-anunsyo ng suspensiyon ng klase dulot ng masamang lagay ng panahon.

Sa report ng PAGASA, ang habagat ay patuloy na magpapaulan sa Metro Manila, malaking bahagi ng Luzon at Visayas Region. Inaasahandin ang mga pag-ulan sa Ilocos Sur, La Union, Abra, Be­nguet, Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro.

BATANGAS

HABAGAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with