^

Bansa

DOH nagbabala vs leptospirosis

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa gitna ng walang tigil na pagbaha dulot ng habagat at bagyo, muling nagbigay ng babala ang Department of Health (DOH) hinggil sa panganib ng leptospirosis.

Sa mga kalsadang lubog sa tubig, hindi lamang pinsala sa ari-arian ang dapat ikabahala ng publiko. Ayon sa DOH, ang tubig-baha ay maaaring kontaminado ng ihi ng daga at iba pang hayop na nagdadala ng virus. Kapag nalantad dito ang tao, tumataas ang posibilidad ng pagkakasakit.

Ang leptospirosis ay isang seryosong karamdaman na maaaring magdulot ng komplikasyon at maging sanhi ng kamatayan. Kabilang sa mga sintomas ang mataas na lagnat, pamamanhid, pananakit ng kalamnan, pamumula ng mata, at iba pang senyales ng impeksyon.

Bilang pag-iingat, pinapayuhan ng DOH ang publiko na iwasang lumusong sa baha. Kung hindi maiiwasan, agad na maghugas o maligo gamit ang malinis na tubig at sabon. Mahalaga rin ang agarang pagkonsulta sa doktor upang mabigyan ng tamang lunas.

Para sa agarang tulong sa panahon ng sakuna, maaaring tumawag sa National Emergency Hotline 911.

DOH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with