^

Bansa

Pangulong Marcos mahigpit na binabantayan epekto ng Habagat

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos mahigpit na binabantayan epekto ng Habagat
Eperkto ng Habagat
STAR/ File

MANILA, Philippines — Mahigpit na binabantayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang epekto ng Habagat, partikular ang sitwasyon sa mga lugar na madaling bahain at ang pagtaas ng lebel ng tubig sa mga dam at imbakan ng tubig.

Inatasan ng Pangulo ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na manatiling naka-heightened alert, mahigpit na makipag-ugnayan hinggil sa pagpapakawala ng tubig, at magsagawa ng mga kinakailangang hakbang upang maprotektahan ang mga komunidad at mahahalagang imprastraktura.

Ayon sa ulat, bagaman at nakararanas ng spilling ang ilang dam sa Central Luzon, patuloy na mahigpit na mino-monitor at pinamamahalaan ang lebel ng tubig.

Pinatitiyak din ng Pangulo na nakahanda ang mga ahensya ng pamahalaan na tumugon habang nagbabago ang mga kondisyon.

Inatasan ni Marcos ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na manatiling nasa full alert, habang itinaas naman ng NDRRMC sa full-alert status ang kanilang kahandaan.

Nagsagawa rin ang mga awtoridad ng preemptive evacuation sa mga lugar na nasa panganib ng pagbaha, pagguho ng lupa, at storm surge.

Nakapag-imbak ang DSWD nang mahigit limang milyong family food packs sa buong bansa at may mahigit P1.6 bilyong standby funds para sa emergency response.

HABAGAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with