^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Huwag ipagkait ang dagdag na sahod

Pilipino Star Ngayon

PARA sa ilan, maliit lang ang P85. Pero para sa minimum wage worker sa Metro Manila, puwede na itong pandagdag sa pamasahe, bigas, gamot at baon ng anak sa eskuwela.

Kaya mabigat ang epekto ng temporary restraining order (TRO) na pumigil sa pagpa­patupad ng dagdag-sahod sa NCR. Ang unang tranche na P60 ay dapat nang nararamdaman ng manggagawa noon pang Hulyo 25, habang ang P25 ay susunod pa sa Enero.

Hindi man nito malulutas ang kahirapan, may agarang ginhawang ibibigay ito sa mga pamilyang isang kahig isang tuka.

Mahalagang igalang ang proseso ng korte. May karapatan ang mga employer na magpahayag ng pagtutol, lalo na kung naniniwala silang mabigat sa operasyon ang dagdag-sahod.

May mga negosyong nangangamba sa gastos, layoffs, at epekto sa iba pang rehiyon.

Pero may tamang proseso para rito. Kung hindi sang-ayon sa wage order, ang usapin ay dapat dumaan sa mekanismong itinakda ng batas at wage boards. Hindi dapat maging shortcut ang TRO para patigilin ang umentong dumaan na sa konsultasyon ng labor, employers, at gobyerno.

Sa ganitong sitwasyon, laging mas mabilis maramdaman ng manggagawa ang delay kaysa ng mga nasa taas. Ang kompanya ay may abogado, pondo, at oras para lumaban.

Ang minimum wage earner, kadalasan, may bill na due date, anak na may pasok sa school, at pagkain na kailangang bilhin.

Kaya tama lang na manindigan ang DOLE, OSG, labor groups, at mga mambabatas para maipatupad ang wage order. Kung tunay na may pagkukulang sa proseso, ayusin ito sa tamang venue. Pero hindi dapat ang manggagawa ang unang mawalan habang nagde­debate ang lahat.

Hindi sapat ang sabihing mahalaga ang manggagawa. Dapat makita iyon sa payslip.

Ipatupad ang dagdag-sahod. Huwag nang ipagkait ang kaunting ginhawang matagal nang hinihintay. Lubhang kailangan ito nang nakararaming mamamayan na isang kahig, isang tuka. Huwag hintaying magrebelde ang kanilang mga bituka.

WAGE

WORKER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with