PANOORIN: Maymay, humina na sa LPA, typhoon Dolphin binabantayan
MANILA, Philippines — Humina na ang dating Tropical Depression Maymay at isa na itong low-pressure area, ayon sa PAGASA sa kanila weather update nitong Biyernes, August 7.
Malaki ang posibilidad na tuluyan itong humina at maging bahagi ng trough o buntot ng Typhoon Dolphin, na nananatili sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Kahit hindi inaasahang papasok sa PAR ang Typhoon Dolphin, patuloy nitong palalakasin ang habagat na magdadala ng maulan na panahon sa malaking bahagi ng Luzon hanggang ngayong weekend.
- Latest






















