Blu Girls sa PSA Forum
MANILA, Philippines — Tatalakayin ng Philippine Blu Girls, nakatakdang lumahok sa Asian Games, ang kanilang kampanya sa Nagoya, Japan sa Philippine Sportswriters Association Forum ngayon sa media room ng Philippine Sports Commission.
Dadalo sa nasabing sesyon sina coach Anthony Santos, team captain Charlotte Sales at co-captain Royevel Palma. Darating din sa forum sina UAAP Commissioner Jai Reyes at Samahang Basketbol ng Pilipinas Executive Director Erika Dy upang isulong ang pagho-host ng bansa sa World University Cup.
Ang public sports program na gaganapin sa alas-10:30 ng umaga ay inihahatid ng San Miguel Corporation, PSC, Philippine Olympic Committee, MILO at ng ArenaPlus—ang 24/7 sports app ng bansa. Ang sesyon ay ipinapalabas nang LIVE sa Facebook page ng PSA.
- Latest
























