^

Bansa

Palasyo susunod sa utos ng korte sa P85 wage hike

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Palasyo susunod sa utos ng korte sa P85 wage hike
This undated photo shows an individual counting Philippine peso bills.
The Philippine STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Siniguro ng Malacañang na susunod ito sa utos ng Pasig Regional Trial Court na nagpalabas ng status quo ante order kaugnay sa pagpapatupad ng P85 dagdag-sahod.

Sa pahayag ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro, iginiit niyang hindi pa rito nagtatapos ang laban ng pamahalaan at patuloy nilang ipaglalaban kung ano ang nakikita nilang nararapat para sa mga manggagawa.

“Ayon nga po kay Labor Secretary Francis Tolentino, tayo ay susunod sa korte kung ano ang pinag-uutos ng korte, pero hindi pa po dito natatapos ang laban. Ilalaban po kung ano po ang nakikita ng pamahalaan na nararapat sa ating mga manggagawa,” ani Castro.

Dagdag pa niya, pakikinggan din ng pamahalaan ang hinaing ng mga negosyante upang ma­ging balanse ang pagtingin sa isyu. Layunin umano nito na maiwasan ang mas malalim na problema para sa mga empleyado at employers, at makahanap ng win-win solution sa usapin ng sahod.

RTC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with