PANOORIN: Ejercito, nanghinayang sa oras na ginugol sa impeachment trial
MANILA, Philippines — Nanghinayang si Sen. JV Ejercito sa oras na ginugol sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, matapos bawiin ng House prosecution panel ang tatlo sa mga artikulo ng impeachment complaint laban sa bise presidente.
Sa pulong-balitaan noong Miyerkules, Oktubre 14, sinabi ni Ejercito na ikinagulat nila ang naging hakbang ng prosekusyon. Aniya, mas naging produktibo sana ang mga pagdinig sa pambansang budget kung nagkaroon sila ng mas mahabang panahon.
Bilang Senate Finance Committee chair, sinabi ni Ejercito na nahaharap sila sa pressure na matapos ang budget hearings, kaya posibleng nagmamadali rin sila sa proseso.
Gayunman, bilang senador-hukom, sinabi niyang iiwas muna siyang magkomento sa mga paglilitis at magtitiwala sa direksiyon ng presiding officer.
Iginiit din ni Ejercito na sa ideal na sitwasyon, dapat marinig ang magkabilang panig at mabigyan ng due process ang depensa at si Duterte bilang respondent sa impeachment trial.
- Latest


















